TOYCON SUMMER PRELUDE

Batang 90s Tagalog Anime Meet and Greet

Mga batang ’90s, mag-ingay! 📺🔥

Tanggalin ang pagka-badtrip, itabi muna ang teks at jolens, at maghanda nang ma-feel ang ultimate anime throwback dahil astig ang ganap sa TOYCON Summer Prelude! Ito na ang pagkakataon n’yo na makilala nang personal ang mga Tagalog voice actors sa likod ng mga paborito nating anime noong panahong rekta tayong umuuwi galing school, kakain ng meryenda, tapos tutok agad sa TV para hindi ma-miss ang opening themesong!

Makisaya, maki-kuwentuhan, at maki-meet and greet sa mga boses na talagang bumuo sa kabataan natin:

✅Rowena Raganit: Ang boses ni Gon Freecss ng Hunter x Hunter, Yoh Asakura ng Shaman King, Genki ng Monster Rancher, at marami pang iba.

⬛Monty Repuyan: Ang boses ni Vincent ng Ghost Fighter, Takenori Akagi ng Slam Dunk, at Mamoru Takamura ng Knockout, at marami pang iba.

🔴Lloyd Navera: Ang boses ni Recca Hanabishi ng Flame of Recca, Tamahome ng Fushigi Yugi, Chrollo Lucilfer ng Hunter x Hunter, at marami pang iba.

Parang time machine pabalik sa panahong ang pinakamalaking problema lang natin ay kung maaabutan pa natin ang anime pagkatapos ng klase! Kaya mga tsong at tsang, huwag pahuhuli! tara na sa TOYCON Summer Prelude ngayong April 11, Sabado 4PM sa The Garden, Okada Manila at balikan natin ang ginintuang panahon ng anime sa pinakaastig na paraan! ✨

TOYCON Summer Prelude
🗓️ April 11–12, 2026 | Okada Manila
☀️ Crystal Pavilion 12NN–10PM
🏡 The Garden 3PM–12MN
FREE ADMISSION